Natahimik si Dexter wala siyang maisagot. . . "Normal naman po ang matakot, kahit nga po ako ng nag decision akong pumunta ng cebu natakot ako." Sambit ni edie na nalungkot ang mga mata. . .. "Pero dahil gusto kong makita si mama kahit sa huling pag kakataon hindi na po ako nag dalawang isip. Kaya noon sinabi niyo po na tutulungan niyo ako. Natuwa po ako" nakangiting sabi nito. . . Pinag masadan lang ni Dexter ang bata habang nag kukuwento ito. Tila ba mas may alam pa ito kesa sa kanya. . . "Minsan kasi hindi ko maiintindihan ang mga matatanda. Bakit kailangan pa nilang mag isip kapag nag mamahal sila" munting tanong ni Edie . . "Diba po ang kailangan lang ng tao pag nag mamahal sila ay ito" hinawakan ni Edie ang puso ni Dexter . "Minsan kasi sa sobrang pag iisip po natin nalilito po tayo. Gaya ni lolo Berting at ni mama at papa" dag dag ni Edie . . Natauhan si Dexter sa mga sinabi ni Edie. . . Para siyang nakapulot ng aral sa isang batang naka ranas na ng marami mahahalagang aral sa buhay. . . Nakatapos ng siya ng degree pero nag mumukha siyang walang alam sa batang kakaunti na ang oras ang ilalagi ng kaluluwa sa mundo.
Daha fazla bilgi