Pinilit kong kausapin ang mga pesteng ipis sa sulok ng kwartong ito. Ang mga langgam na inisa-isa ko na ring bilangin para lamang mapaniwala ko ang aking sarili na hindi ako nangangati sa ginagawa ko. Mga butiking walang ibang ginawa kundi humuni ng nskaiiritang tunog ay nagawa ko na ring tanungin kung ano nga bang role ni Mocha Uson sa gabinete ni Duterte? Pati ang mga tuklap ng pintura sa dingding, pinagtiyagaan ko na ring bakbakin. Ano nga bang point ng pang-aaliw sa sarili? Inikot ko ang aking paningin sa apat na sulok ng kuwartong ito. Tanging liwanag lamang ng buwan sa labas ng bintana ang siyang aking naging tanglaw. Malamig na simoy ng hangin na sa tuwing dumarampi sa aking balat ay nakagagaan sa pakiramdam. Ang ingay ng kstahimikan ay nababalot sa paligid. Bakit kahit payapa at walang ingay ay may naririnig pa rin? Ano nga ba ang himig ng katahimikan? Unti-unti kong pinulot ang isa sa mga papel na nakalukot sa sahig. Tinupi ko ito sa anim, sa walo, sa dose' ngunit mas maganda at kung tutupiin ko ito sa sixty-four para perfect square. Inisip ko rin kung anong uri kaya ng fungi o bacteria ang mayroon sa daliri ko pagkatapos kung idukot sa butas ng ilong ko. Pwede rin kung makakautang ba ako sa tindahan ni Lola Annie ng deep sea, halo-halo, kiss o kaya tigpipisong bangus. Pero nagdadalawang isip rin ako'kasi nung huling pagkakataon kong kumain ng bangus, sumabit sa ngipin ko 'yong pakete. Halos sampung minuto ring naka stock sa ngipin ko yon!tsk! Ngayon, sa dami ng aking naisip at ginawa, maaari na rin siguro itong maging akda. Kahit nonsense yung topic, isa lamang ang point nito. May naisip ka, isulat mo. May narealise ka, isulat mo pa rin. Nakita, naamoy, narinig, o naramdamam' wag kang mahihiyang isulat ang mga bagay-bagay. It's either for entertainment or to educate.