Kahit kaunti, kahit hindi totoo.. basta meron.. basta sinabi mo mahal mo ako. Maniniwala ako, tatanggapin ko. Mahal kita, 'yun lang 'yun. Mahal mo ako, pero hindi totoo. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero anong magagawa ko? Pilitin kong mahalin mo ako? Mahalin ng totoo? Mahalin ng todo-todo? Katulad ng pagmamahal ko sayo? Ang isang babaeng katulad ko.. ay napakaimposible.. napakaimposibleng mahulog sa isang lalakeng kagaya mo.. hindi naman kita type, ayaw ko sa ugali mo. Oo pogi ka pero gago ka. Bakit ako nahulog sayo? Bakit ako na-inlove sa taong katulad mo? Bakit ako napamahal sayo?