Siguro nga totoo ang kasabihang love at first sight. Dahil unang kita niya pa lamang sa kaibigan ng boss niya na si Zackie ay nagkagusto na siya sa binata. Madalas itong dumalaw sa restaurant ng boss niya kung saan siya nagtatrabaho. At hindi niya maiwasan na palihim itong tingnan sa tuwing makikita niya ito. Umaasa siya na sana isang araw ay mapansin siya ng binata. Pero papaano kung higit pa doon ang kayang gawin nito? Papaano kung sa isang gabi na nakasama niya ito ay naibigay niya ang sarili niya rito? Panagutan kaya ng binata ang nangyari sa kanila o para rito ay isang one night stand lamang ang namagitan sa kanila???
19 parts