"The Past"...isang bagay na hindi mo kayang baguhin at balikan. Lahat ng mga bagay na nangyari at nagawa na ay hindi mababago pa. "The Present"...isang bagay na maaari mo pang gawin at mabago hanggat hindi pa ito napupunta sa 'nakaraan'. Lahat ng mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan na iyong nararanasan ay madalas napupunta sa 'hinaharap'. "The Future"...walang nakakaalam sa mga pangyayari na nakasalalay dito. Hindi madaling hulaan ang mga bagay na mangyayari at dito malalaman ang iyong nagawa sa 'kasalukuyan'. "Death"...isang pangyayari at isang salitang kinakatakutan ng lahat. Walang nakakaalam kung kailan ito magsisimula at matatapos. Lahat ng tao ay dapat makaranas nito dahil ito...ay hindi maaaring maiwasan kung ito'y nagsimula na.