Kapag ang isang tao pala ay namatay sa isang bansang dayuhan, hindi na raw makakabalik sa bansang pinagmulan ang kaluluwa nito. Natuklasan ko iyon nang mamatay ako sa Hong Kong bilang isang turista. Hindi tuloy ako makabalik sa 'Pinas. Gusto kong mag-balikbayan dahil nalaman kong suicide ang ikinamatay ko. Gusto kong malaman kung sino ako at bakit nag-decide akong kitlin ang sarili kong buhay. Kaya kailangan kong makabalik sa bansa ko at para magawa ko iyon, kailangan ko raw makasanib sa isang buhay na tao. Hindi rin pala basta-basta ang pagsanib dahil hindi ko masasaniban ang isang taong buhay kung hindi kami magkapareho ng qi. At ang hirap maghanap ng ka-level ng energy flow ko. Nang sa wakas ay makasanib ako sa isang kapwa ko Pinay, akala ko, makakabalik na ako sa Pilipinas. Pero may problema, nawawala ang passport niya. Kaya kailangan ko pang hanapin kung nasaan ang passport niya bago kami makalipad pabalik sa Pilipinas. Nalaman kong may fiancé pala ang babaeng nasaniban ko-isang Filipino-Chinese. In fairness, ang guwapong tsinito. Nakaka-in love. At meron pang isang guwapong Pinoy na mula sa past ng babaeng sinaniban ko na umeeksena. Nakaka-in love din siya. Teka. Hindi ako puwedeng ma-in love sa isang tao. Isa na lang akong kaluluwa. At kailangan ko ring umalis sa katawan ng babaeng ito soon. Forty days lang daw ang allowed na extended stay ng isang kaluluwa sa lupa. Kailangan kong ma-accomplish ang unfinished business ko bago ako tuluyang umakyat sa langit. NOTE: This is the unedited and incomplete version. *** This book is already available in bookstores. Please do grab a copy.