Ang kwentong ito ay naglalaman ng limang karakter. Ang limang karakter na ito ay magkakaibigan at magkakaklase. Bilang mga matatalik na magkakaibigan, di sila nagkakaproblema na hindi nila nalulutas. Pero nagkaroon ng isang kakaibang pangyayare na di nila inaakala.
Habang nasa eskwelahan sila, sumabog ang isang planta na kung saan nagkalat ng radiation sa bansa. Ang radiation na to ay nakamamatay at kailangan nilang mag tago sa loob ng malapit na bahay o anumang lugar na kulob upang hindi makalanghap nito.
At sila, na naiwan sa eskwelahan, kasama na ang iba pang mga estudyante at guro, ay kinakailangang makapaghanap ng paraan upang mabuhay sa loob.
Seth - Ang nagsasalita sa kwento. Binatang lalaking lumaki mag-isa at nasanay mag-isa dahil sa kalagayan niya. Pero kahit na ganito, di nawala ang pagiging Optimistic niya. Bandang huli, magiging love interest ni Enri. Pero magkakagusto siya kay Sena.
Miro - Isang musician na makulit at magaling maki-bagay sa tao. Anak ng isang guro.
Tine - Laging Top 1 ng klase. Mabait, kadalasan sobrang negatibo niya sa mga bagay at pangyayare.
Sena - Kaibigan ni Seth mula pagkabata. Matapang na babae. Malakas ang loob. Pero malambot ang puso pagdating kay Seth. (Oo, may gusto siya kay Seth.)
Enri - Napaka-masiyahing babae. Maraming may gusto sa kaniya dahil bukod sa magaling siya makisama sa tao, mabait, at maganda, handa siyang tumulong sa mga nangangailangan. Bandang huli, magkakagusto siya kay Seth pero matatanggap niya naman ang mangyayari.