Sawang sawa na si Via magmahal. Tatlo? Apat? Anim? Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang sinugal ang puso niya. Hindi pa man siya nagkakaboyfriend eh quotang-quota na siya sa pagiging heartbroken. Kung hindi naf-friendzone madalas napupunta sa mga bestfriend niya. Saklap. Tumatak na sa puso niya na pare-parehas lang ang mga lalaki ngunit bakit kung kailan tahimik na siya at kuntento sa buhay niya eh isang araw ay dumating sa buhay niya si Dash at kahit na anong taboy niya rito ay hindi ito umaalis sa tabi niya, handa na sana siyang tibagin ang pader na nakapaligid sa kaniyang puso ngunit tila dadagdag pa ata ito sa bilang ng mga lalaking pinaasa lamang siya.Todos los derechos reservados