Nakakita na ba kayo ng pulang langit? Kung hindi pa, halina't samahan niyo ako tungo sa sinasabing isla na siya 'ngang mahiwaga. Ito ang isla para sa mga nag-mamahalan, ang 'Lover's Cove' kung saan matatagpuan ang pulang langit na kilala sa tawag na 'The Scarlet Sky' . Bagama't mailap makita, marami pa ring mga turista ang dumarayo sa isla at nag-babakasakaling masilayan ang nakabibighaning tanawin na ito. Kaya ganoon na lamang ang dagsa ng mga turista ay dahil sa paniniwalang nakasumbit dito. "Kung sino man ang makasasaksi sa sinasabing pulang langit na ito ay mag-kakaroon ng walang hanggang pag-ibig. Lalo na para sa mga mag-kasintahan na parehong matutunghayan ang tanawin na ito. Sila ay mapagkaklooban ng relasyon na mas matatag pa sa bato. Walang sino man ang kayang humadlang sa kanilang pag-sasama kahit pa ang taghana man o ang kamatayan."