Hayaan nating makilala si Weinna, ang kambal ni Meinna na mahal ni Thor. Si Lord Thor Mendez na Fraternity Master, mayaman, gwapo, matalino at kinatatakutan sa lahat nang Universities sa Maynila.
Nang makiusap si Mienna kay Weinna na magpanggap bilang siya at kahit ayaw niya ay wala din siyang nagawa dahil kailangang magpagamot ang kapatid sa malayo. Pinilit niyang baguhin ang sarili para makuha ang galaw, pananamit at ugali nang kakambal.
Ayaw na ayaw ni Weinna sa lalaki, arogante ito, maangas at basag ulo. Pero may nangyari sa kanila at kung kailan niya napag alamang buntis siya ay saka naman nalaman ni Thor na siya si Weinna?
----
WHEN HATE BECAME LOVE.
NAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na.
At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang sarili.
Hanggang sa may nakilala siyang lalaki sa bar. Na kagaya niya, ay sugatan rin ang puso.
At dahil siguro may tama na siya ng alak ng gabing iyon ay niyaya niya itong maghiganti.
And it was the sexiest revenge ever...