"Akin siya. Mahal ko si Marco at aangkinin ko siya sa lahat ng paraang alam ko." Mali bang angkinin ang hindi sayo? Mali bang ariin ang pag aari ng iba? At mali rin bang mahalin ang lalaking asawa na ng iba? Walang nakakaalam ng buong kwento niya. Walang higit na mas nakakakilala sa kanya bukod sa sarili niya. Walang nakadarama ng bawat sakit at hapding nararamdaman niya. Kaya bakit hinuhusgahan siya? Bakit nilalait? Bakit kinukutya? Ang mapait na mundong akala niya'y paraiso. Ang matinik na daang akala niya'y sementado. Hindi siya Santa pero kaya ka niyang dalhin sa langit. Hindi siya perpekto pero kinahuhumalingan ng marami. Nakakatawang isipin na isa ka sa kanila. Na isa ka sa mahuhumaling sa Alindog niya. ---- This is not your ordinary cheating love story.