Lahat tayo dumaan sa pagka bata na puro laro lang ang alam. Sa school, sa bahay hindi natin maiiwasan na hindi mag laro. At hindi rin natin maiiwasang magka-"crush" sa kapwa natin estudyante. Maaring sya'y ating schoolmate, classmate, kapitbahay. Basta kahit saan pwede mong makita ang "first crush" mo. Magagawa mo bang mapalapit sa crush mo o hahayaan mo na lang na lumaki kayong hindi nya alam? "Bata pa kayo at hindi nyo pa dapat iniisip yan", "Lilipas din yan", "May makikilala ka pang bago pag laki mo" Paano kung paglipas ng ilang taon magkita ulit kayo? At bumalik ang dating nararamdaman mo. Magagawa mo na bang aminin o hahayaan na lang ulit palipasin?