Naudlot ang pagmamahalan ng dalawang puso dahil sa malagim na aksidente na kumitil sa kanilang mga buhay sanhi ng pagtakas nila sa mahigpit na mga magulang. Nabuhay muli ang dalawang puso sa katauhan ni Brixner at Finesse. Si Brixner isang aminadong playboy. Wala sa vocabolary niya ang serious relationship. Ang pag-ibig para sa kanya ay isang laro lamang. Parang game app sa playstore, install lang ng install kahit ilan basta free at maaaliw siya. Kapag bored na siya at wala ng excitement, edi e-uninstalled total free naman, hindi naman siya nag-effort. Mga babae naman ang kusang lumalapit, tatanggi pa ba siya. Puhunan lang naman niya ang kagwapuhan, kakisigan at kayamanan niya. Si Finesse a playboy hater. Saksi siya sa pagkadepress ng kaibigang si Heira ng malaman nito na ang pinakamamahal na boyfriend ay isa palang playboy at isa lang pala siya sa mga collection nito. Ayaw niyang matulad sa kaibigan. Ayaw niyang masaktan at maging talunan. Kaya ipinangako niya sa sarili hinding-hindi siya magpapa-uto sa mga lalaking playboy. It was destiny's game nang pinagtagpo ulit nito ang dalawang pusong nagmamahalan. Their eyes met. Their heart beats fast. Does this two hearts can keep their promise kahit na nasa loob na sila ng ibang katawan? At iba na ang kanilang katauhan?