Bawat paghakbang nati’y naglalapit ang ating mga mukha. Kumukurba ang mga ngiti sa labi nating dalawa na abot hanggang tenga. Mga mata nati’y parehong nakatitig sa isa’t isa. Ito na siguro ang tamang oras para tanungin ka. Ngunit bakit hindi ako makahanap ng tamang mga salita? Pinapangunahan ako ng kaba kaya ang tanging naibulalas ko na lang ay ang tanong na… “Pwede pa ba?”