I was here but you never know. . . Ito ay kwento ng isang labing pitong gulang na babae na nangangarap na maging isang ganap na manunulat. Ngunit ang tingin sa sarili ay walang silbi, walang talento, panget at isang 'NOBODY' sa kaniyang paligid. Laging nariyan ngunit nababaliwala. Pero kahit na ganoon ay siya'y nangangarap na maging isang manunulat. Isang pangarap na wala siyang balak abutin at mananatili na lamang na isang pangarap dahil ito'y walang pupuntahan ayon sa kaniyang pananaw. Para sa mga taong nakapaligid sa kaniya ay siya'y isa lamang tahimik, mahina, walang mararating sa buhay at masama ang ugali. Pero lingid sa kanilang kaalaman na siya'y lihim na nasasaktan at lumuluha na lamang dahil siya'y pinanghihinaan ng loob. Ngunit sa pagdaan ng mga araw matapang pa rin niyang kakaharapin ang mga pagsubok ng buhay ng matatag, at puno ng pag-asa sa tulong ng mga darating sa kaniyang buhay. ~~~~~~~ A/N: PLAGIARISM IS A CRIME. This story is just a product of my imagination. kung may pagkakapareho man po sa mga pangalan, lugar, pangyayari at linya ng story na ito sa iba ay hindi ko po sinasadya. inuulit ko po. HINDI KO PO SINASADYA. Sana po magustuhan n'yo ito. Feel free to comment if may napansin po kayong mali o hindi n'yo po nauunawaan.