25 parts Complete [An Epistolary: Completed]
Madalas sabihin ng mga manunulat na kapag nakatanggap sila ng isang sulat, itatabi nila iyon sa madaling makita. Ngunit may mga tao rin na kapag nakatatanggap ng liham ay itinatago iyon sa lugar na hindi madaling tingnan upang madaling makakalimutan.
Ang mga manunula naman ay madalas makahanap ng tugma kahit gaano kahirap ang mga salita. Ngunit bakit ang iba na nagsusulat ng tula, tila lahat ay walang tugma?
Sabi ng isang kilalang manunulat, hindi lahat ng istorya ay nagtatapos sa wakas bagkus lagi't laging may kasunod pa. Pero may mga taong hindi naniniwala roon, dahil may mga istoryang kahit hindi pa nasisimulan ay may wakas na.
Siguro nga, may mga liham talaga na kahit gustuhin man natin basahin nang paulit-ulit, hindi na maaari. Siguro nga, may mga tulang sadyang walang tugma, para ipabatid sa ating hindi lahat ay may kapareha. Siguro nga, ang mga istoryang naputol ay hanggang doon na lang, kasi kahit anong pilit nating buksan at ilipat ang mga pahina, ang laman ay mananatiling nakaraan.