Sa halos isa't kalahating taon na pagtatrabaho sa pabrikang pag-aari ng multi-billionaire na si Don Rusellyo Antonio Villanoble hindi lubos akalain ni Alex na mula sa pagiging wrappers ay siya'y aakyat sa taas at magiging PA ng kaisa-isang anak nitong lalaki na pumalit sa kanya mag mula nang atakihin ito at 'di na maaaring magtrabaho. Sa unang pagkikita nila ni Zed ang pagiging masungit nito ang kanyang agad na napuna. Hindi niya makakalimutan ang pinakauna nitong patakaran "Bawala ma-in love o makipagrelasyon sa kapwa empleyado" Sa pagdaan pa nang mga araw lalo niyang kinainisan ngunit kanya ring kinakatakutan ito. Kahit saan ito magpunta ay kasama siya. May isang trabahong pinagawa ito sa kanya na nakapagpabago ng takbo ng puso't buhay niya. May pag-asa kaya siya? Gayong ito mismo ang nagbabawalsa mga empleyado niyang ma-in love. Mamahalin parin kaya niya ito kapag nalaman nito ang katotohanan sa likod ng kanyang kasungitan?All Rights Reserved
1 parte