Seryoso ka sa relationship mo kay Lord pero nawawalan kana ng ganang magpray. Bored ka lang ba? Kaliwa't kanan ang deadlines mo pero di mo alam kung ano ang uunahin mong tapusin. Feeling mo stressed kana? Nakatulog ka naman pero nagising ka nang pagod. Ilang araw ka nang ganito. Burnout kaya ang reason? Normal lang na makaranas tayo ng iba't ibang emosyon. Handa ka bang harapin ang mga ito? Ano ang dapat mong gawin sa gitna ng boredom, stressed and burnout? May right o wrong way ba sa paghandle ng mga ito? Huwag mong hayaang sirain ng mga negatibong emosyon ang buhay mo dahil pwede mong mapagtagumpayan ang mga ito.