"I like it when you smile, but I LOVE it when I'm the reason" Kailan kaya na ako naman ang magiging dahilan ng mga ngiti at pagtawa mo. Hayssss. Sabi nila masarap daw magmahal, yung tipong makikita mo na lang ang sarili mo na nakangiti dahil maiisip mo siya. Pero paano kung iyong matagal mo ng minamahal ay hindi man lamang nalalaman na nabubuhay ka sa mundo?