Ganito pala ang mainlove. Yung tipong papayag ka sa lahat ng gusto niya, bahala ng masaktan wag lang siyang lumayo sayo, Magbubulag-bulagan kahit nakikita mo na ang katotohanan, kahit pride mo kakainin mo wag lang kayong mag away. Yung kahit na ilang ulit pa siyang magkamali, ganun ka daming ulit mo rin siyang kayang patawarin. Pero, hindi rin pwede diba? Kase lahat nauuwi sa tanong. Tanong na 'kung hanggang kailan ba?' Hanggang kailan mo kayang masaktan? Hanggang kailan mo kayang magpatawad? Hanggang kailan mo makikita na ikaw lang ang nagmamahal sa inyong dalawa? Hanggang kailan mo panghahawakan ang relasyon na ikaw lang ang kumakapit? Hanggang saan ang kaya mong ibigay? Hanggang saan? Hanggang kailan? Someday, one day. All the burdens and pain will be washed away :) -StarfISH xoxoAll Rights Reserved
1 part