Pakiramdam ni Samantha ay isang Superman ang nagligtas sa kanya mula sa mahigpit niyang tiyahin. Pinalaya siya nito mula sa pagkakakulong sa isang lumang lodging house sa Bulacan. Nang malaman niyang isa palang sikat na celebrity ang kinababaliwang si Luis Miguel Tolentino ay bigla siyang nag-effort na mapansin nito. Akala niya ay nahulog na si Miggy sa kanyang major transformation hanggang sa makilala niya si Celestine, ang babaeng nasa pictures sa loob ng kwartoni Miggy. Kung kailan umiibig na siya dito nang lubusan ay tsaka namang umamin ang binata na walang ibang laman ang puso nito kundi si Celestine. Walang kuwentang Superman nga ba ang kanyang natagpuan? O sa huli na siya nito ipaglalaban?