Leynieee_18
Si Loraine Valdez ay isang simpleng babae lamang mabait, sweet, at mapagmahal. Punong-puno sya ng pag-asa dahil hindi sya madaling sumuko sa mga problema na kinahaharap niya.
Pero bakit parang may kulang sa kanya, lagi syang naghahanap ng pagmamahal, lagi nalang syang sinasaktan ng pamilya nya, lagi syang umiiyak tuwing gabi kapag inaalala nya kung ano ba ang problema sa kanya, kung may magmamahal pa ba sa kanya.
Pero nagbago ang lahat ng lumipat sya sa Heartsville Academy doon nya makikilala ang lalakeng magbabago ng kanyang buhay. Ang lalakeng magpapasaya at magpapaiyak sa kanya.
Si Xyrone Scott ang campus prince ng kanilang school, habulin ng mga chicks, at lalong lalo na habulin ng gulo. Sya lang naman ang leader ng DDG (Demon Dark Gang) na kilala bilang number one sa BWZ (Bloody War Zone) na isang sikretong lugar na kung saan naglalaban laban ang mga iba't ibang gangsters. Walang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa mga nakapasok na.
Sila Arielle Manzano at Nathalie Mendoza ang mga kaibigang mahahanap nya. Hindi sila popular sa academy pero dahil sa isang pangyayari magbabago ang lahat. Ang grupo nilang magkakaibigan ay guguluhin ng mga estudyante.