AnnBernaPedrera
Karamihan sa mga tao ngayon, pag sapit ng 11:11 sa orasan, saglit na humihinto. Para saan? Edi para mag-wish. May iba na humihiling ng pera, may iba naman sa lovelife. At minsan, nakakagulat na lang na may mga bagay na unti-unting nangyayari na parang tugma sa hinihiling nila.
Para sa iba, isa lang itong normal na gawain. Parang maliit na pahinga sa isip, isang sandaling "what if" bago bumalik sa realidad.
Pero para kay Mireya Solene, hindi lang siya simpleng habit.
Gabi-gabi, eksaktong 11:11, nasa bintana siya. Tahimik. Walang istorbo. Parang may sariling mundo habang hawak niya yung iisang wish na paulit-ulit niyang binabalikan.
Hindi yung basta wish lang.
Kundi yung wish na pinaniniwalaan mo kahit walang kasiguraduhan.
Kilala si Mireya bilang isang hopeless romantic na babae. Yung tipo na naniniwala pa rin sa tamang timing, sa mga bagay na darating kahit hindi mo naman hinahanap. Kahit ilang beses na siyang nadisappoint, hindi pa rin siya tumitigil.
Kaya tuloy lang siya sa pagwi-wish.
Hanggang sa isang gabi, may sumagot.
11:11.
Isang unknown number.
Isang message na hindi niya inaasahan.
Noong una, tila iba ang pakay ng taong nasa likod ng chat. Parang gusto lang pigilan o kuwestyunin yung ginagawa niya. Pero habang tumatagal, unti-unting nag-iiba ang takbo ng usapan nila. Mas naging madalas. Mas naging personal. Mas totoo.
Kaya gabi-gabi, sa parehong oras, may isang taong unti-unting nagiging sagot sa mga wish na hindi naman talaga dapat naririnig.
At sa gitna ng lahat, may unti-unting nahuhulog.
Hindi niya lang alam kung sino ba talaga ang tinatamaan.
At ang mas nakakapagpabigat pa sa lahat,
hindi niya rin alam na ang "unknown" na kinakausap niya gabi-gabi...
ay mas malapit sa kanya kaysa sa inaakala niya.