Reinyrosee
"Araw-araw akong nagdarasal.
Na sana'y mamatay na ang pag-ibig na ito. Na hanggang ngayon na lang kita mamahalin, at pagdating ng bukas... wala na ang pagmamahal na ito".
Isinilang mula sa isang ipinagbabawal na relasyon, lumaki ang malas-palad na Imperial Princess na si Talia Roem Gwirta sa mundong kailanman ay hindi siya tinanggap. Pinalaki ng mga magulang na walang pakialam, kinamuhian ng kanyang mga kapatid sa ama, at hinamak ng mga aliping tumitingin sa kanya na parang wala siyang halaga.
Dahil dito, natuto si Talia na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng matutulis na tinik ng kanyang ugali, itinataboy ang sinumang magtangkang lumapit sa kanya.
Ngunit may isang tao na kayang wasakin ang lahat ng depensang itinayo niya.
Si Varkas Laedgo Siorcan.
Ang marangal na tagapagmana ng Silangan. Bilang vassal ng Imperial House at susunod na pinuno ng isang dakilang Grand Ducal family, isinilang siyang may iisang tungkulin-ang maging perpekto. Mula pagkabata, lumaki siya sa ilalim ng malupit na pagsasanay na halos maituturing nang pang-aabuso. Unti-unting namanhid ang kanyang damdamin, hanggang sa naging isang lalaking nabubuhay lamang para sa dangal ng kanyang pamilya at sa kanyang tungkulin.
Upang tuparin ang pangakong iniwan ng yumaong Empress, napilitan siyang ipagkasundo sa nakatatandang kapatid sa ama ni Talia-si Aila.
Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting nadudurog ang puso ni Talia. Habang pinapanood niyang mapunta sa iba ang lalaking pinakamamahal niya, dahan-dahan ding gumuho ang kanyang mundo.
Ngunit...
Ang pag-ibig na itinadhana lamang para sa trahedya at kamatayan ay tila haharap sa isang hindi inaasahang pagbabago.
one of my favorite Novel. Author: Kim su-ji
Translated into taglish, cause I think mas bet ko sya Tagalog basahin. Super ganda nang story, maka kilig na maka bwesit hahaha Silang lahat.