SamanthaFort213
Naranasan mo na ba ang magmahal? Marahil oo ang sagot mo. Sino nga ba ang hindi nakaranas nun.
Naranasan mo na ba ang mahalin? Yung tipong matatanong mo sa sarili mo kung anong kabutihan ang ginawa mo para maging ganun ka deserving. Pero matatakot ka, na baka masanay ka sa ganong klase ng pagmamahal. Matatakot ka na baka di mo yun kayang pantayan. Takot ka, kaya tumalikod ka.
Ni hindi mo naisip na sa pagtalikod mo, ikaw mismo ang gumawa ng paraan para mangyari ang kinatatakutan mo. Huli na ba para maging matapang? O panahon na para maging makasarili ka, ulit?