Gemae_Ruth007
ARAW GABI - SEASON 2
Ang pagbabalik ng dilim, pag-ibig, at mga lihim na hindi pa natutuldukan...
DESCRIPTION:
Matapos ang kasal nina Mitch at Adrian, akala ng lahat ay tapos na ang mga unos. Tahimik na ang El Paraiso, at ang alaala ni Celestina ay tila ba nilibing na sa nakaraan. Ngunit sa likod ng katahimikan, may matang nakamasid. Buhay si Celestina, at mas matindi ang galit niya kaysa dati. Hindi lang paghihiganti ang bitbit niya-kundi ang planong sirain ang lahat ng mahal ni Mitch... sa paraang hindi nila kailanman inaasahan.
Sa pagbabalik ng mga karakter mula sa teleserye, isang bagong kabanata ang magbubukas-mas madilim, mas mapusok, at mas nakakagulat. Handa ka na bang muling sumisid sa kwento ng pag-ibig at pagkawasak?