AyumiIgarashi
"BES"
Bes, naaalala nyo pa ba?
Kung saan tayo unang nagkakilala?
Kung paano tayo pinagtagpo ng tadhana?
At kung gaano kasaya kapag tayo ay sama-sama.
Bes, naaalala nyo pa ba?
Yung mga ngiting minsan nating pinagsaluhan
Mga tawanan at biruan na ang hirap kalimutan
Mga araw na sana wala na lang katapusan
Bes, naaalala nyo pa ba?
Nung panahon na kayo ay mga sawi?
Puso ninyo'y puno ng pighati
Dahil sa mga gago at manlolokong lalaki
Bes, natatandaan nyo pa ba?
Siguro hindi nyo na naaalala
Kasi wala na tayong panahon para sa isa't isa
Ni magchat man lang o text hindi na natin magawa
Bes, naaalala nyo pa ba ako?
Naaalala nyo pa ba ang dating tayo?
Tayo na unti-unti ng nagbabago
Na parang bula bigla na lang naglaho
Pilit sinasambit ng aking isipan
Na baka busy lang kayo sa ibang bagay
Baka may iba lang kayong pinagkakaabalahan
O baka naman wala na akong parte sa inyong buhay?
Bes, sa oras na makahanap ka na ng bagong kaibigan
Pwede bang wag mo 'kong kalilimutan?
Lalo na yung ating pinagsamahan
Kasi ako, umulan man O umaraw hinding hindi ko kayo iiwan
Hinding hindi ko kakalimutan yung mga araw na minsan nating pinagsaluhan Mga ala-ala na ang sarap balik balikan
Mga pangako at plano para sa ating kinabukasan
Sabi nyo pa titira tayo sa iisang bahay
At doon maninirahan ng magandang buhay
Mga bes, salamat sa mga masasayang ala-ala
Ala-ala na babaunin ko hanggang sa aking pagtanda
Salamat dahil binigyan nyo ng kulay,
Ang masalimuot kong buhay
Hindi man perpekto ang ating pagkakaibigan
May mga tampuhan man at 'di pagkakaintindihan
Hindi pa rin nito matitibag ang ating samahan
Dahil ang ating pagkakaibigan ay pangmatagalan.
-ayumi igarashi