mimosa_16
Pagtuntong sa senior high school, tayo ang jeepney driver
Nagmamaneho paikot kahit nasisita ng traffic
enforcer
Paulit-ulit ng nabangga, nasira, at naubusan ng gasolina
Ngunit ang mahalaga ay humaharurot pa rin sa kalsada
Sa byahe ni Cheche, sino-sino kaya ang magiging pasahero?
Papara ba sila dahil kailangan o sadyang gusto lang nilang siya'y samahan?
Mayroon kayang mamemeke o lahat sila'y magpapakatotoo?
Gaano katagal sila mananatili at kailan sila mag-aalisan?
May iba kayang jeep na dadali at mag-iiwan ng gasgas?
Makakaengkwentro kaya siya ng kamote na ubod ng angas?
Paano kapag ang singil ng pamasahe ay biglang tumaas?
Magbabaan kaya sila o may patuloy pa ring
aangkas?
Higit sa lahat, sino ang espesyal na taong tatabi sa kaniya?
Ang taong gagabay
Hahanga sa taglay niyang husay
Magsisiguro sa byaheng matiwasay
Susuportahan siya nang walang humpay
Ito rin ang radyong magpapatugtog ng musika
Windshield wiper tuwing maulan
Electric fan sa panahon ng kainitan
Handkerchief kapag nag-iiyakan
Extra wheel kapag na-flat-tan
Ito rin ang mekanikong mag-aayos ng bawat piyesa
Taos-pusong sasama kahit sasabog na ang makina
Kahit ang gulong ay mafa-flat na
Kahit mauubos na ang gasolina
Kahit tatahakin nila ang one-way o dead-end na kalsada
Halina't samahan si Francheska, Cheska, Cheche, at Monay sa kaniyang biyahe mula senior high school patungo sa college. Ibabalik ng nobelang ito ang mga katawa-tawa, kahiya-hiya, at katakot-takot nating karanasan noong high school. Kukulayan din nito ang mga pagkakaibigang dahan-dahang nauuwi sa pag-iibigan sa kabila ng tampuhan, ilang, at kabang madiskrimina.
Lalarga na, sasakay ka ba?
>> ♡ <<
~ m i m o s a ~