neajmoto
- Aking hiling ay makapiling mo ang sintang minsan naging laman ng iyong panalangin, ang uri ng kabiyak na minsan mong hiniling sa langit. -
- Ang tanging kagustuhan ko lamang ay ang manumbalik ang iyong ngiti, kahit alam kong sakin ay ika'y galit na galit, titiisin, sapagkat sapat na sa akin marinig ang iyong pagtawang sakin ay kumikilit, hindi man ako ang naging dahilan, ayos lamang iyon, makokontento nalamang ang aking puso sa ganito, dahil ikaw ay mahal ko. -
- Hindi ako nag sisisi na pinasok ko ang mundong ito, dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maiparamdam sayo ang pag mamahal ko, sa pangalawang pagkakataon kahit sa ilang sandali, samaikling panahon, napasaya kita at nabigay sayo ang buhay na pinapangarap kong maranasan mo. -