chemaelene
"Isang taon, isang kwento. Buhay na hinubog ng sakit, sigaw, at tagumpay."
Hindi siya ipinanganak na mayaman, pero hindi rin sila naghihirap. Sapat lang para mabuhay nang maayos - tatlong kain sa isang araw, puno ng pagmamahal at tiyaga mula sa kanyang mga magulang. Bata pa lang siya, natutunan na niyang hindi lahat ng tao marunong rumespeto. Tinawag siyang "unggoy" dahil sa balahibo sa kanyang balat. Masakit, oo - pero hindi siya nagpatalo.
Sa halip, pinili niyang lumaban. Sa murang edad, sumali siya sa Girl Scouts, sa SSG, at sa iba't ibang school activities - kahit kinakabahan, kahit minsan gustong sumuko. Doon niya unti-unting nahanap ang lakas ng loob, ang halaga ng boses niya, at ang halaga ng sarili niya.
Ito ay kwento ng isang simpleng batang babae - hindi perpekto, hindi palaging bida - pero palaging lumalaban.
Sa 24 na kabanata, bawat isa ay isang taon ng kanyang buhay, samahan siyang balikan ang mga alaala, aral, at ang pagbuo sa kung sino siya ngayon.
Dahil minsan, ang pinakamalalakas na kwento ay nanggagaling sa mga tahimik na simula.