PrismaticProse
"You marry me, you keep your career, and our child gets the life they deserve. You refuse, and I will make sure you lose everything-including custody. I always get what I want, Sarielle. And right now, I want you."
Para kay Sarielle Castellanos, isang gabi lang iyon ng desperadong pagtakas mula sa kalungkutan at sunod-sunod na kabigoan sa buhay. Isang gabi sa bisig ng isang guwapo at misteryosong estranghero na nag-iwan ng pamilyar na cedar scent sa kanyang balat, bago ito biglang naglaho nang walang bakas pagdating ng umaga. Walang pangalan. Walang numero. Isang gabi lang na akala niya ay makakalimutan din niya.Ngunit nagkamali siya.
Paglipas ng tatlong linggo, ang estrangherong iyon ay muling nagpakita sa harap niya-suot ang isang pormal na white coat at may hawak na stethoscope. Siya si Dr. Cyan Altamirano, ang bago, mayaman, at mapanupil na Chief of Medicine ng ospital kung saan nagtatrabaho si Sarielle bilang nurse. At ang mas malala... may hawak itong laboratory report na nagpapatunay na nagdadala si Sarielle ng isang Altamirano heir.