CivanRes
Tatlumput anim na taon na ang nakalipas nang pag-isahin ng dalawang makapangyarihang pamilya ang kanilang kapalaran sa isang lihim na kasunduan. Isang tradisyong ipinapasa sa bawat henerasyon, hindi para sa pag-ibig, kundi upang patibayin ang pangalan at palawakin ang impluwensiya.
Si Navinne Torres, isang babaeng alpha na lumaki nang walang kaalaman sa tunay niyang pinagmulan, ang napiling humalili sa kasunduang hindi niya kailanman pinili. Hindi niya alam na may karapatan siyang pumili ng sarili niyang landas-at magmahal ayon sa tibok ng sarili niyang puso.
Sa kabilang panig ay si Pauley Santillan, tagapagmana ng pamilyang matagal nang nakatali sa kontratang iyon. Para sa kanilang mga pamilya, malinaw ang papel nila. Ngunit para kina Navinne at Pauley, ang kanilang mga pagtatagpo ay nagsimula bilang pormal at walang inaasahan.
Habang unti-unting inaayos ng dalawang pamilya ang kanilang pagkakalapit, napipilitang harapin nina Navinne at Pauley ang isang kapalarang itinakda bago pa man sila magkakilala.
Sa mundong pinamumunuan ng dugo, kasunduan, at obligasyon,
maaari bang sumibol ang pag-ibig kung hindi ito pinili-kundi itinakda?