mizuka-chann
Aetherveil.
In a world where magic was once seen as a blessing, ngayon... isa na lang itong bagay na kinatatakutan.
Matagal na panahon na ang nakalipas nang piliin ng mga tao na talikuran ang mahika. What they could not control, they chose to erase. Ang mga mages-dating healers, scholars, at tagapangalaga ng kaalaman-ay itinaboy, itinuring na panganib, at ipinatapon sa mga isla na halos wala nang nakakaalala.
The cities stand tall now, proud and untouched by magic. O iyon ang gusto nilang paniwalaan.
Sa labas ng kanilang mga pader, kung saan ang mga bundok ay halos sumasayad sa ulap, may mga lihim na nananatiling nakatago. Sa gitna ng makakapal na kagubatan at malamlam na hamog, may isang lugar na hindi dapat umiiral-isang paaralan, lihim at tahimik, para sa mga batang ipinanganak na may kapangyarihang kinamumuhian ng mundo.
Doon, ang mahika ay hindi itinatanggi... kundi inaaral.
At kabilang sa kanila ay isang babae na lumaki sa paniniwalang ang magic ay isang alamat lang-isang bagay na dapat katakutan. Until the day it awakened within her.
Bigla siyang hinila mula sa mundong kilala niya, dinala sa isang lugar na tila nasa pagitan ng langit at lupa-where floating halls, whispered spells, and hidden truths exist. Ngunit hindi pala ganoon kasimple ang mahika. Hindi ito puro liwanag... at lalong hindi puro dilim.
Dahil sa labas ng mundong iyon, ang takot na minsang sumira sa mahika ay unti-unting bumabalik.
At sa pagkakataong ito... hindi na ito mananatiling tahimik.
Habang nabubunyag ang mga lihim ng nakaraan at unti-unting nagigising ang katotohanan, mapipilitan siyang harapin ang tanong na matagal nang iniiwasan ng lahat-
Is magic truly a curse... o ito ang susi para baguhin ang mundong tumalikod dito?
Sa huli, ang tunay na panganib ay hindi ang mahika-
kundi ang takot ng tao rito.