loveliesssssss
Si Rylus Drex Avierno ay isang pangalang kinatatakutan sa mundong puno ng kapangyarihan at dugo. Bilang pinuno ng Avierno Syndicate, kilala siya bilang malamig, mapanganib, at walang pusong mafia boss. Ngunit ang hindi alam ng marami...ang mga taong pinapatay niya ay yaong mga kriminal, abusado, at mga taong ginagamit ang kapangyarihan para sirain ang buhay ng iba.
Sanay si Rylus na mag-isa. Sanay siyang walang pinapahalagahan kundi ang sarili niyang misyon. Hanggang sa hindi inaasahang makilala niya si Arlea Aliyah Garcia, isang simpleng college student na biglang naging bahagi ng magulo niyang mundo matapos ang isang gabing muntik nang kumitil sa kanilang buhay.
Sa gabing iyon, iniligtas ni Rylus si Arlea mula sa panganib...ngunit sa parehong pagkakataon, si Arlea naman ang sumalo sa padating na kapahamakan na para sana Kay rylus.
At doon nagsimulang magbago ang lahat.
Habang mas lumalalim ang koneksyon nila, unti-unti ring nabubuksan ni Arlea ang pusong matagal nang isinara ni Rylus. Ngunit kasabay ng paglapit nila sa isa't isa ay ang paglapit din ng panganib, mga lihim, at mga kaaway na handang gawin ang lahat para pabagsakin ang mafia boss.
Sa gitna ng panganib at madilim na mundong kinagagalawan nila, isang pag-ibig ang unti-unting nabuo...pag-ibig na naging dahilan para matutunan nilang mabuhay, magtiwala, at magmahal muli.