aemiquill
"Architecture is about human experience. It's about soul."
Para kay Xyrah Montgomery, ang buhay ay parang isang Floor Plan-kailangang detalyado, tipid ang sukat, at matibay ang pundasyon. Bilang isang working student na nagpapakahirap sa Quickie Burger habang tinatapos ang kanyang Archi plates, wala siyang oras para sa mga distraction. Lalo na sa isang distraction na kasing-tayog at kasing-lamig ng isang skyscraper.
Para naman kay Kyrus Miller, ang buhay ay tungkol sa Aesthetics at Prestige. Ipinanganak sa isang pamilya ng mga sikat na arkitekto, ang tanging goal niya ay lampasan ang anino ng kanyang apelyido. He is the "Skyscraper"-high, unreachable, and perfectly designed.
Ngunit nang mag-krus ang kanilang mga linya sa loob ng isang tahimik na Architecture Studio sa gitna ng madaling araw, narealize nilang dalawa na ang pinakamagandang disenyo ay hindi yung nakikita sa blueprint... kundi yung nararamdaman sa pagitan ng mga guhit na hindi nila sinasadyang mabuo.
Will they be able to build a future together, o mananatili lang silang dalawang linyang nagkasalubong pero hindi nakatadhana para sa isa't isa?