MithyGranny
Mahirap maging mahirap.
Hindi n'yo maiintindihan ang mga salitang ito kung hindi kayo nakaranas nito.
Paano mo ba masasabing isa kang mahirap?
Kapag isang beses lang ang inyong pagkain sa loob ng isang araw? At isang putaheng ulam ang nakalapag sa hapag kainan? Aba e, maswerte na ang buhay mo kapag ito ang naranasan mo. Dahil ang iba, ni ultimo bigas ay wala. Ulam pa kaya?
Kapag ang ulam mo ay bagoong, o di kaya'y datu puti toyo na hinaluan ng mantika, o bangus na kapag binuhos mo sa mainit na kanin ay lalambot ng kusa, oo tama ka, bangus na sitsirya nga, at kapag sawa kana sa bangus, may tilapia at LaLa pa naman na pagpipilian. Sa halagang piso, solve kana.
Sa pagkain palang, mahirap na talaga. Mahirap kung saan at paano kukuha? Saan magsisimula? Paano na?
Unti-unti, sa panahong lumilipas, at sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ito at ito lagi ang nasa isip ko.
Paano ang mamuhay?
Kung ni pagkain ay napaka hirap?
Nabuhay lang ba ako sa mundong ito para maghirap araw-araw?
May dapat ba akong sisihin?
Kung oo, sino?