wo0sjxnnx
Sayang ka.
Madalas sabihin nang karamihan. Sayang ka kasi puro saya ang inaatupag. Sayang ka kasi hindi mo ginagamit sa tama at wais na desisyon ang katalinuhang meron ka. Sayang ka kasi tamad ka. Sayang ka kasi hindi mo alam kung paano pahalagahan ang angking talinong meron ka. Iyan ang kadalasang sinasabi nang lahat. Siya ay si Sheyan Anthony Baligod----Hindi dahil kulang siya, kundi dahil sobra-sobra ang talino, sobra ang potensyal. Ngunit sa mata ng karamihan, inuuna niya ang saya kaysa sa karangalan, ang aliw kaysa sa responsibilidad. Sinasabi nilang hindi niya ginagamit sa tama ang wais na pagdedesisyon at katalinuhang ipinagkaloob sa kaniya; tinatawag siyang tamad, walang direksiyon, at hindi marunong magpahalaga sa sariling kakayahan.
Ngunit sa likod ng mga salitang iyon, naroon ang isang katayuan ang may kakayahang pumili ng sarili niyang oras at landas. Ang "sayang" ay hindi palatandaan ng kawalan-ito'y paalala ng isang potensyal na naghihintay lang magising, handang patunayan na ang talino, kapag pinagsama sa tamang layunin, ay kayang baguhin ang lahat.
Si AKESHA Alexia ay lumaki sa ilalim ng mabibigat na salitang paulit-ulit na tumatak sa kanyang isipan-mga salitang nagmula mismo sa mga taong inaasahan niyang magpapalakas sa kanya. Sa halip na papuri, pag-unawa, at suporta, madalas niyang marinig na hindi sapat ang kakayahang meron siya.
Dahil dito, unti-unting nabuo sa kanyang sarili ang pagdududa at takot na hindi siya sapat, kahit pa patuloy niyang sinusubukang patunayan ang kanyang halaga. Gayunman, sa likod ng mga salitang iyon ay isang pusong pilit lumalaban, umaasang balang araw ay maririnig din niya ang tinig na magsasabing sapat siya-at iyon ay magmumula sa kanyang sarili at sa taong nanatiling tunay sa kaniya.