Shaneinks
Dati, ang apelyido ko ay respeto. Ngayon, wala na akong wala.
Si Amara Fajardo - ipinanganak na may hawak na ginto, sanay sa luho at ginhawa. Hanggang sa na-scam ang kanyang ama, at sa isang iglap... nawala ang lahat. Yaman, bahay, pangalan - lahat naglaho na parang alikabok.
Napilitang lumipat sa El Grande National High School bilang scholarship student. Walang kaibigan, luma ang uniporme, at araw-araw na nakikita ang mundong dati ay kanya rin.
At doon niya nakilala si Xavier Montefalco.
Mayaman, sikat, at sobrang suplado - ang tipong sanay na lahat ay yumuyuko sa kanya. Tinitingnan niya si Amara nang may panghuhusga, hindi alam na ang babaeng tinatawag niyang "mahirap" ay ang dating prinsesang kasing-antas niya dati.
Dati, magkapantay sila. Ngayon, magkaibang mundo na.
Pero paano kung ang puso ay hindi nakakakita ng yaman? Paano kung ang tadhana ay ibinalik sila sa isa't isa - hindi para maghati ng ginto, kundi para patunayan na ang tunay na yaman ay hindi nabibili ng pera?
Noong tayo'y magkapantay pa... hindi ko inakalang babagsak ako - at ikaw pa ang magiging dahilan kung bakit ako babangon muli.