thtrnzxbrllnt
Sa isang Discord server na gawa ni Jom, nagtagpo si Angela-ang tahimik pero witty na college girl, at si Vrix-ang misteryosong lalaking laging online pero halos hindi nagsasalita sa university. Sa umpisa, simpleng tulong lang sa activity ang usapan. Pero sa dami ng late-night calls, shared playlists, at inside jokes, unti-unting nahulog ang isa... hanggang sabay na silang bumagsak.
Pero paano kung 'yung taong lagi mong kinakausap sa chat, bigla na lang mag-"I have to go"-at hindi na bumalik?
Sa likod ng screen, sa pagitan ng mga emojis at ellipses, nabuo ang isang relasyong hindi sigurado kung totoo o panaginip lang.
Mula sa mundong puno ng typing status, silent treatment, at soft ghosting-The One That Typed Away explores the beauty and pain of connection in the digital age.
Kasama ang buong tropa mula sa I Wonder How Do Actors Not Fall In Love, And She Wore My Jersey, at One Last Ride With You, alamin kung pa'no mag-move on kahit walang closure... at paano magsimulang muli kahit 'di na kayo nagre-reply.