tala_bloom
hindi naman plano ni milkha jullian lim na manggulo.
gusto niya lang maging doktor.
magtrabaho nang maayos, tulungan ang mga pasyente, at tuparin ang pangarap na matagal niyang pinaghirapan-
sa isang ospital sa manila na akala niya, kakayanin niya.
pero mali siya.
kasi sa unang araw pa lang, nakabangga na niya ang pinaka-ayaw sa kanya-
si dr. arian quen arceta.
kilala sa buong ospital.
magaling. perpekto. malamig.
walang pasensya sa mali,
walang oras sa kalokohan,
at lalong walang pake sa tulad ni milkha.
magkaibang-magkaiba sila.
isa maingay.
isa tahimik.
isa magulo.
isa kontrolado.
at sa ospital kung saan bawat galaw ay may kapalit na buhay-
walang lugar para sa pagkakamali.
at lalong walang lugar para sa... feelings.
pero paano kung sa gitna ng pagod, tensyon, at mga gabing hindi natutulog-
sila ang paulit-ulit na nagkakasalubong?
paano kung ang inis,
unti-unting nagiging pamilyar?
at ang distansya,
hindi na kayang panatilihin?
dahil minsan,
kahit gaano ka kaingat-
may isang tao talagang
makakapasok.