itzsaiki_
Sa Fine Arts Department, dalawang pangalan lang ang laging pinagbubulungan.
Jett Caelum Sterling - The Ice Prince ng FA. Heir ng Sterling Industries. 3rd year, Advertising Arts. Perfectionist, technical genius, pero walang emosyon sa gawa. Laging gising. Laging galit. Laging mag-isa sa 3rd floor studio tuwing 2AM, nakikipag-away sa mga canvas na puro itim at gray.
Secret niya: Hindi siya makatulog. Simula nung mamatay yung kapatid niya, 3 hours na lang ang tulog niya. Art niya = parusa. Insomnia niya = kulungan.
Miles Archer Kingsley - The Sunshine ng FA. 2nd year, Painting major. Scholar, working student, blonde na maingay. Raw talent, messy, pero lahat ng pinta niya sumisigaw ng emosyon. Art niya = takas. Takas sa gutom, takas sa pagod, takas sa mundo.
Binasag ni Jett yung exhibit proposal niya sa harap ng buong department. Sinagot niya si Jett sa harap ng lahat. _War_ ang sinimulan nila.
Ngayon, pinagpares sila ng Dean para sa thesis: 2-man show. 1 studio. 6 weeks.
Rules ni Jett: _"Stay on your side. Don't talk. Don't breathe too loud."_
Rule ni Miles: _"Subukan mo 'kong utusan, ibubuhos ko 'tong pintura sa mukha mo."_
Pero sa kalagitnaan ng sigawan, asaran, at paint fights sa 2AM... natuklasan ni Jett ang isang bagay:
Nakakatulog lang siya kapag naririnig niya boses ni Miles.
Yung ingay na kinaiinisan niya, naging lullaby niya.
Yung taong sinumpa niyang hindi papansinin, naging gamot niya.
Yung galit, naging pangangailangan.
Yung pangangailangan, naging pag-ibig.
Between you and me, it started with hate.
Between you and me, there's paint, insomnia, and all the words we can't say when we're awake.
Between you and me... who's gonna fall first?