Maricar973
Sabi nila, kapag marunong kang gumawa ng mga bulaklak, marunong ka ring magmahal - kasi pareho silang sining na dahan-dahan mong binubuo gamit ang puso.
Si Faye, isang crafter na kilala sa kanyang "Petals by Mrs. F," ay marunong magpabloom ng mga bulaklak kahit sa malamig na panahon. Pero sa likod ng makukulay niyang creations, may isang lihim siyang matagal nang tinatago - hindi siya makabuo ng sarili niyang pamilya.
Habang abala siya sa paglikha ng mga bulaklak para sa kasal at okasyon ng iba, unti-unti niyang natututunan na minsan, ang mga petals na nalalanta ay hindi palatandaan ng pagkabigo - kundi ng pagpapalaya.
Isang kwento ng babae na marunong ngumiti kahit may sugat, makulit pero may lalim, at natutong mamukadkad muli kahit siya lang mag-isa. πΈ