CaptainPreasly
Si Daellanne ay lumaki sa pamilyang puno ng misteryoso, simula pagkabata ay maaga na silang minulat sa madilim na bahagi ng mundo.
Bilang mga anak ng pinakakilala at pinakamayamang mafia leader sa bansa, natutunan na nilang magtago ng sikretong malagim, at ang dahan dahan ngunit mabilis na pagkilos sa dilim.
Ngunit sa kabila nito, lumaki rin siya sa pangkaraniwang buhay sa eskwela, nagagawa niya ang mga bagay na nagagawa ng ibang mga bata- ang makipaglaro sa iba, at ang mga tipikal na gawain kasama ang kaibigan.
Sa kabila nito, sa paglaki niya, unti unti na niyang naimana ang eratikong ugali ng kanyang ama sa pagkabinata nito, ang pagiging basagulera. Kaya nama'y walang magawa ang ama kundi ilipat ito ng eskwelahan, upang mailayo na rin ito sa gulo.
Ngunit sa kanyang pagtapak sa loob ng section E, siya ring nagsimula ang kahalata halatang kilos ng kanyang pamilya. Naging kabilang siya sa notoryosong section na puro mga lalaki.
At sa panahong naging daan ito sa pagbunyag ng sikretong matagal nang itinago ng ama, kakayanin kaya nilang magkakapatid na tanggapin pa ang ama nila?