BaekKyungXiu11
Si Jeffrey Santilan, a.k.a Jepoy. Isang panget, walang sense of fashion, maitim ang balat, may mga tigyawat sa mukha, nakasuot ng makapal na salamin, in short... NERD!
Isa siyang student sa Buendivino State College, isa sa pinakamayamang school sa buong Pilipinas.
READERS! matanong ko kayo, bagay ba ang MAHIRAP at MAYAMAN na tao?
Kung hindi... nakakapanghinayang noh?
Mabuti pa ang TOYO at SUKA, bagay.
Ang REMOTE at TELEBISYON, bagay.
Ang ULAM at KANIN, bagay.
At kung ano pang bagay na bagay na bagay sa iisat-isa (gets niyo? XD)
Pero kahit magkaiba sila, gagawa at gagawa yung isa ng paraan para maging bagay sila diba?
Gagawin ang lahat para sa kanyang minamahal.
Gagawin ang lahat... para MAPANSIN siya ng kanyang MINAMAHAL~