allonijervis
Ang mga tulang ito ay pinagsama sama na mula pa noon hanggang ngayon.
Ang tula mula sa panulat ni Alloni ay nagsimula sa panahon ng kanyang kabataan, panaginip, at mga pangyayari na minsan ay mahirap ipaliwanag. May mga tula dito na marahil ay matagal ng nangyari ngunit naitabi sa maayos na sulatan upang mabasa sa mahabang panahon.
Gayunman, lubos kong ipinagmamalaki na ang mga mambabasa nyo sa mga sumusugod na pahinga ay pawang nanggaling sa aking magulong isip. Likha ng maingay na isipan na hirap ipaliwanag sa tao.
Para sa mga karagdagang kaalaman, ang pangalan Alloni ay kinuha ko sa dalawang taong lingkod ng simbahan. Sila ay sina Father Alan Samonte at Father Luciano Felloni. Alan + Felloni= ALLONI
At ang Jervis naman po ay mula na sa aking tunay na pangalan. Nagkataon lamang po na si Jervis Pendleton po ng Judy Abbot ang una kong naging inspirasyon para sumulat kaya doon nabuo ang pangalang ALLONI JERVIS.
Maari nyo po akong sundan sa aking facebook page. pakihanap lamang po ang Alloni Jervis. Maraming salamat po..