DeadClouds19
Sa Westbridge University, sanay si Sam Carter na hindi yumuko kahit kanino.
Street-smart, makulit, palaban, at may talentong gawing personal na problema ang bawat taong masyadong mayabang para sa kanya.
Kaya nang makilala niya si Sebastian Beaumont-isang well-off, polished, sarcastic, at annoyingly composed na campus bad boy-hindi niya inakala na magiging paborito niyang kaaway ito.
Si Sebastian naman ay sanay na nakukuha ang gusto niya nang hindi kailangang makipagtalo.
Until Sam came along.
Isang banggaan.
Isang basag na kape.
Isang exchange ng masasakit na salita.
At isang instant dislike na hindi nila alam kung bakit parang ang hirap tigilan.
"You're annoying."
"And yet, you keep talking to me."
"Because someone has to put you in your place."
"Good luck with that, Beaumont."
Habang mas madalas silang napipilitang magsama, mas nagiging komplikado ang simpleng rivalry nila.
Lalo na nang magsimulang mapansin ni Sebastian kung sino ang kausap ni Sam.
Kung sino ang kasama nito.
At kung bakit bigla siyang naiirita kapag may ibang taong masyadong lumalapit.
Samantala, may sarili ring gulo ang barkada nila-si Alex, ang makulit na best friend ni Sam, at si Harvey, ang masungit at short-tempered na best friend ni Sebastian na mabait lang kapag si Sebastian ang kaharap.
Sa pagitan ng campus chaos, barkada asaran, family moments, competitions, secrets, at walang katapusang banter...
Unti-unting matutuklasan nina Sam at Sebastian na minsan, ang taong pinakaayaw mong makasama-
ay siya ring taong pinakaayaw mong mawala.
Because sometimes, the line between hate and love isn't that clear.
At sa kanilang dalawa?
Baka isang kiss lang ang kailangan para tuluyang malito ang lahat.