st4xrlight
Hindi aksidente ang pagkamatay ng kapatid niya-at hindi rin iyon ang katapusan ng bangungot na iniwan nito.
Matapos matagpuang walang buhay ang kaniyang kuya sa pook ng ipinagbabawal na kagubatan, tumanggi si Victoria na tanggapin isa lamang itong trahedya.
Kasama ang kaniyang mga kaibigan, nagpasya siyang tahakin ang lugar na matagal nang ipinagbabawal puntahan-isang kagubatang nababalot ng mga alamat at kamatayang walang kapaliwanagan. Ang akala nila'y makakahanap sila ng mga bakas na magbibigay-hustisya sa kaniyang kapatid.
Ngunit ang natagpuan nila ay isang mundong hindi kailanman dapat natuklasan.
May mga lihim na mas ligtas na ibaon sa dilim. At may mga katotohanang, sa sandaling masilayan, ay hindi na maaaring takasan.