ullzangkim
Have you made up your mind that I am great for a plaything, but not worth marrying?
Minsan nang napaso ang puso Ni Livy. Ikakasal na sana siya nang matuklasan ang kataksilan ng fiance. Sa nangyari,lalo siyang nakumbinsi na walang lalaking makapananatiling tapat sa isang babae lang. Dapat ay natuto na siya sa karanasan ng ina, but no. She had to experience it first-hand...
Nakakondisyon na ang isip niyang maging masaya sa pag-iisa. Walang lalaki,walang problema. Only,she didn't consider the possibility of falling inlove again hanggang sa makilala niya si Emerson. Sa maiinit na bisig ng binata,nawalan ng kontrol ang puso Ni Livy. Ang anumang alinlangay tinunaw ng mapupusok nitong halik. Sa piling nito,nasilip niya ang bukas.
Sa kabila ng pangambang masaktan na naman,lakas-loob na umibig ang dalaga. Muli siyang nagtiwala...upang sa huliy ipagtabuyan lamang Ni Emerson...pabalik sa Maynila.