Isahwhispers
Three years. Three long years ko na siyang pinagmamasdan. From other's words, I was admiring him from afar. Tama naman sila. Dahil sa loob ng tatlong taon, hindi ako nagconfess sa kaniya.
I was afraid of rejection. Sabihin na nating hindi dapat iyon ikabahala dahil isa dapat iyon sa expectations mo kapag magcoconfess ka. Pero 'yon mismo ang ikinababahala ko. Natatakot ako sa kahihiyan, sa heartbreak kaya kahit isang beses, hindi ko sinabi sa kaniya, o kahit ipahalata man lang na gusto ko siya.
Kahit naman nung elementary ako ay nagkaroon na ako ng crush, pero kahit noon pa man ay hindi rin ako umaamin dahil nga takot ako sa rejections. Nasanay na akong pinapalipas ang kung ano mang nararamdaman sa mga taong nagiging crush ko. Isa na iyon sa naging prinsipyo ko.
But fate had other plans. Dahil habang mas tumatagal ang pagkagusto ko sa kaniya, mas lalo rin itong lumalalim. Dahilan kung bakit mas madalas kong naiisip ang pag-amin sa kaniya sa nararamdaman ko.
Hahayaan ko na lang ba na ang tadhana ang gumawa ng paraan para ipaalam sa kaniya na gustong-gusto ko siya, or ipagsawalang bahala ko na lamang ang nararamdaman kong ito?