innocent_who
Sa huling araw ng isang retreat, labingwalong estudyante mula sa magkaibang paaralan ang pinaiwan bilang kaparusahan matapos masangkot sa isang marahas na gulo na nagsimula sa matagal nang alitan nina Jaycee at Clyde. Ang apat na araw at tatlong gabing "reflection" sa loob ng isang lumang hacienda ay dapat sana'y pagkakataon para maghilom ang kanilang mga sugat, aminin ang kanilang mga pagkakamali, at matutong magpatawad.
Ngunit pagsapit ng unang gabi, may isang taong natagpuang patay.
Ang simpleng retreat ay unti-unting naging isang nakakatakot na bangungot. Isa-isang nawawala ang tiwala nila sa isa't isa habang dumarami ang mga bangkay at lumalalim ang misteryo sa loob ng hacienda. Walang makalabas. Walang makakahingi ng tulong. At ang mas nakakatakot-isa sa kanila ang mismong pumapatay.
Habang sinusubukan nilang tuklasin kung sino ang salarin, mabubunyag ang mga lihim, kasinungalingan, at nakaraan ng bawat isa. Sa lugar na dapat sana'y nagdadala ng kapayapaan, bawat sulok ng hacienda ay nagiging bitag, at bawat kaibigan ay maaaring maging susunod na biktima... o ang mismong mamamatay-tao.
Sa larong ito, iisa lang ang sigurado:
Hindi lahat makakalabas nang buhay.